November 19, 2024

PSC WOMEN’S MARTIAL ARTS FESTIVAL HUMATAW NA!

HIGIT sa 600 kababaihang atleta,coaches at opisyales ang lumahok sa pambungad seremonya ng  8th Women’s Martial Arts Festival kahapon sa Rizal Coliseum.

     Nagliwanag,nagkabuhay at naging makulay ang makasaysayang RMC sa pagsambulat ng unang higanteng kaganapang multi-sport na ini-host ng  Philippine Sports Commission sa naturang pasilidad matapos tinengga ng pandemya.

    Sina PSC Chairman Noli Eala at Commissioner Bong Coo ay dumalo at sinaksihan ang  parada at panunumpa ng sportsmanship ng mga  atleta ng bawat event sa naturang seremonya.

     “Today is a significant moment in the PSC calendar,because today  not only marks the 8th Women Martial Arts Festival,it also marks  a time when we finally see face -to -face  competition especially in combat sport.It is also a day when we reopen our home in Rizal Memorial Sports Complex for our athletes to compete once again in our facilities.And most of all,it is significant because today our women in sports take centerstage,” wika ni Eala.

    Sinabi naman ni Women in Sports oversight committee head Comm.Coo na ginaganap ang naturang martial arts festival sa layuning matulungan ang mga national sports association at national athletes na makapaghanda na para sa 6th Asian Indoor Martial Arts Games( AIMAG) na gaganapin sa Bangkok,Thailand  sa Nobyembre,2023.

    Sisipa ngayon ang bakbakan sa pencak silat,karate at jiu jitsu.

   Ang Rizal Coliseum ang siyang magiging venue ng pencak,taekwondo,

sambo at wrestling.Ang PSC Multi-purpose Gym( dating Ninoy Aquino Stadium) ang para sa muaythai,kickboxing,karate at arnis. Ang kurash jiu jitsu  at judo ay ibubuno sa Judo Training Center.

    Iniisponsoran ang kaganapan ng Pocari Sweat Otsuka Solar Philippines Inc.