NAGPAKITANG-GILAS ang mga manlalarong kababaihan sa Kurash Pilipinas sa paghalibas ng aksiyon ng bagong combat sport sa bansa na sumikad sa Judo Training Center ng Rizal Memorial Sports Complex.
Nagreyna si Helen Acopen sa 52 kgs category ng Kurash matapos gapiin si Shaira Batalla.
Dinaig naman ni Charmea Quelino si Ma.Veneza Dayao aa -63kgs para aa ginto habang pinanis ni Eunice Lucero ang katunggali sa -78 kgs para sa gold medal na karangalang handog mula sa organisador na Philippine Sports Commission at suportado ng Pocari Sweat at Go21.
Ang Kurash Spotts Federation of the Philippines ay sa timon ni Pres.Rolan Llamas at pangangasiwa ni coach Al Rolan Llamas.
Samantala, ang anak naman ng dating national athlete at SEAGames gold medalist ay nangibabaw sa kanyang forte na kata event.
Si Samantha Emmanuelle Veguillas,anak ni 1993 SEAG kata gold medalist Chino Veguillas ay nasungkit ang gold medal sa women’s individual matapos daigin si Joan Denise Lumbao ng Association of Advancement of Karate sa finals.
Naungusan ni Veguillas,19-anyos, si Lumbao,16-anyos, sa score na 23.20-22-18.
More Stories
1ST SOUTHEAST ASIA SUDOKWAN C’SHIP IHU-HÒST NG PILIPINAS
US MAGBIBIGAY NG $1-M PARA SA PEPITO VICTIMS
3 SOKOR FUGITIVES NASUKOL NG BI