SINALUDUHAN ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman Richard Bachmann ang Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) Games Visayas Regional leg sa kanyang pambungad na talumpati sa opening ceremony sa IloIlo City.
Binigyang-diin ni Bachmann ang mga achievements sa programa ng reserve officers’ program at ang makasaysayang markang pagpapakita ng karakter ng kabataan para sa magandang kinabukasan.
“Today, we are gathered here in Iloilo for the inaugural ROTC Games Visayas Regional leg. This is indeed a milestone in the history of the Reserve Officers’ Training Corps, showcasing the dedication, discipline, and teamwork of our future leaders.”wika ni Bachmann.
“As we witness our cadets compete at the highest level of play, we all should realize that this is not just a showing of their physical prowess and mental agility, but also a display of their commitment to the betterment of our society – a commitment that resonates deeply with the principles of the ROTC program.” aniya pa.
Dumalo sa naturang kaganapan sina Sen. Francis Tolentino, IloIlo City Mayor Jerry Trenas, Governor Arthur Defensor Jr., at Cong. Anthony Rolando Golez Jr.
Nasaksihan ng mga estudyante ang parada live at dance performances ng mga kadete na nagpamangha din sa Ilonggo crowd na tinampukan pa ng palabas ng jet plane ng Philippine Air Force sa himpapawid.
“The ROTC Games are not just about competition; they embody the values that the ROTC program instills in our youth and the next generation. The ideals of leadership, camaraderie, and service to the nation are exemplified by these men and women, who have trained diligently to compete at this level.” dagdag pa ni Bachmann.
Ang naturang ROTC program ay isang multisport event. “It catered cadets to bolster their skills and to teach the importance of physical education”.
Aarangkada ang Visayas leg ngayon at magtatapos sa closing ceremony sa Agosto 19.
Higit sa libong atleta ang nagpatala mula regions 6, 7 at 8 sa ilalim ng reserve officers’ program sa Visayas.
Ang Mindanao leg ay sa Agosto 27 at ang South Luzon leg ay sa Cavite. Ang huling destinasyon ay ang NCR sa Pasig City.
More Stories
ZERO BUDGET DESERVE NI VP SARA – ESPIRITU
IMEE, VILLAR UMABOT NA SA P1-B ANG GASTOS SA POLITICAL ADS
KUWAITI NATIONAL UMAMIN SA PAGPATAY SA OFW