November 18, 2024

PSC-ROTC Games: Kambal na kadete, bakbakan sa kickboxing gold

IPINAMALAS ng kambal na sina Jansen at Javen Pareja mula sa University of Iloilo ang kapwa pagiging kompetitibo matapos magharap sa kampeonato at pag-agawan ang gintong medalya sa 57kg lowkick ng Kickboxing event sa ginaganap dito na Philippine Reserve Officers Training Corps (ROTC) Games sa SM Iloilo.

Naiuwi ni Javen ang gintong medalya habang napunta sa kapatid nito na si Jansen ang pilak sa Army division. Ang tanso ay napunta kina Ariel Ellaga ng University of Antique at Mark Stephen Braganza ng Guimaras State University.

“Masaya naman po kasi meron na kompetisyon na ganito para sa amin mga kadete,” sabi ng 21 anyos na kambal.

Kapwa naman nakatuntong ang kambal sa National Championships na gaganapin sa Oktubre sa Maynila

Wagi din sa Army division male 60kg lowkick si Jonathan Cadiema ng Cebu Technological University habang winalis Capiz State University ang female category mula kina Mar Jeanette Dellomos ng Capiz State University sa 52kg, Mikaela Tatiana Tan sa 56kg at si Daniella Ira Astor sa 60kg.

Tinanghal naman na kampeon sa Arnis para sa Air Force division sina Roberto Pedriques ng Abuyog Community College (57kg), James Ayalin mula sa Western Visayas State University (60kg) at Nelson Alcon ng University of Negros Occidental-Recoletos sa 63.5kg.

May gintong medalya para sa Phlippine Navy sina Manuel Roxas ng John B. Lacson College Foundation sa 57kg., Shandave Marte mg Aklan Polytechnic College at Elmer Gajelomo ng Negros Maritime College Foundation.

Samantala sa sports na Arnis ay wagi din sa Philippine Army women’s full contact padded stick featherweight si Abcde Faith Taquiso ng Carlos Hilado Memorial State U, si Kyla Omega Dela Torre sa Lightweight Trisha Tyne Omictin sa Welterweight.

Kampeon sa Air Force Men’s full padded stick Featherweight si Lenar John Avance ng WVSU-Lambunao, Justin Al Nepomuceno ng WVSU-Main sa Lightweight at Leander John Pojol sa Welterweight.

Wagi sa Air Force Women sina Queenie Porras WSU-Main sa featherweight, Grace Ann Perez ng WSU-Janiuay sa Lightweight at Jazell Joan Agacia ng WVSU-Janiuay sa welterweight.

Panalo sa Army group sina Orlando Advincula Jr. ng North West Samar State U-Calbayog sa featherweight, Carl Kevin Escanillas ng University of Antique sa Lightweight at si Marcel John Judicpa ng University of Iloilo-Phinma sa welterweight.

Gaganapin naman ngayong umaga ang kampeonato sa volleyball at basketball 3×3 na ginaganap sa University of San Agustin.