KINOPO ni Romeo Constancio ng University of Negros Occidental-Recoletos ang ikatlo nitong gintong medalya sa athletics para pangunahan ang mga atletang kadete kalahok sa ginaganap na 2023 Philippine Reserve Officers Training Corps (PRG) sa Iloilo Sports Complex.
Nanguna ang 2nd year Criminology student na si Constancio ang 200m sprint Miyerkules ng hapon sa 11.5 segundo bago trinangkuhan ang koponan ng UNO-R kahit ilang minuto lamang itong nakapaghina at lumilipas sa oras para tulungan na magwagi ang koponan nito sa 4x400m relay tungo sa gintong medalya.
Una nang nagwagi ang quartet nina Constancio na kasama sina John Lloyd Moreno, David Paul Balagat at Christian Sericon at sa 4x100m run.
“Sayang po kasi naka apat po sana ako ng gold kaya lang po nag-second lang ako sa 200m noong Martes” sabi ni Cantancio na nais na maging pulis.
Pumangalawa si Peter Molina ng WSU Main (11.6s) at Daid Paul Balagat ng UNO-R (11.7s).
Iniuwi din ni Jerson Gison ng Western Institute of Technology (WIT) ang ginto sa Army category ng 200m sa itinala nito na 11.7s para sa ikalawa nitong ginto. Una na itong nagwagi sa 4×100 habang may pilak sa 200m.
Tumapos na ikalawa si Harold Sumaria ng CSAV (11.8s) at Nestor Mini Jr. ng SAC (12.4s).
Inangkin naman nina Piepet Prebillo mula Filemar Christian University-Roxas City at Maria Eden Cornelia ng West Visayas State Univeristy-Calinog ang tigalawang gintong medalya sa kababaihan ng athletics.
Inangkin ni Prebillo ang ikalawang ginto matapos magwagi sa women’s 100m event Army Division habang sinundan ito ni Cornelia sa Philippine Air Force category kung saan ipinaliwanag ng PRG Secretariat na magkakahiwalay ang ginto, pilak at tansong medalya na ibibigay sa tatlong sangay ng military sa bansa.
Una na nagwagi si Prebillo sa 200m sa unang araw ng kompetisyon bago sinundan ni Cornelio.
Ang mga magwawagi naman ng ginto at pilak na medalya lamang ang makakatuntong sa kampeonato.
More Stories
Christian Benedict Paulino, James Ang, unang ginto sa swimming, athletics
Elpidio R. Quirino, Guro to Pangulo
DOST 1 DIRECTOR CHAMPION SA GENDER SENSITIVITY AT MAINSTREAMING SA ISPSC