Minomonitor ngayon ng Philippine Sports Commission (PSC) ang kondisyon ng national athletes. Ito’y habang patuloy na nagsasanay ang mga ito para sa future tournaments.
Ayon kay National Training Director Marc Velasco, nakikipag-ugnayan sila sa national sports commission.
Sa gayun ay makakuha sila ng update sa lagay ng health at training situation ng mga atleta.
Lalo na’t kumalat ang ulat na ilan sa mga atleta ang nagpositibo sa virus.
“We have a team of nurses monitoring the situation not only those who are reported to us, but also those who have been affected,” ani Velasco sa isang press briefing.
Hangad ng PSC na maisalang-alang ang lagay ng mga atleta. Sa gayun ay maging maayos ang kanilang pagsasanay. Lalo na ang mga ilalahok sa 31st SEA Games at Tokyo Olympics.
Noong nakaraang linggo, inatras ng Philippine canoe kayak team ang paglahok sa Olympic qualifying race sa Thailand.Ito’y matapos na ang tatlong members nito ay nagpositive sa virus.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo