Nananawagan si Senator Bong Go sa Philippine Sports Commission (PSC) na kumilos para sa Philippine team. Aniya, ibigay agad ang mga pangangailangan ng mga atleta.
Bunsod ng COVID-19 pandemic, ilan sa mga atleta ang kinakapos. Ayon pa kay Go, Chairman ng Senate Committee on Health and Sports, may natatanggap na ulat ang kanyang office.
Iginiit niya na tungkol ito sa pagkaka-delayed ng monthly allowance ng mga atleta. Aniya, iyon lang sa ngayon ang inaasahan ng mga amateur athletes.
“We are in the middle of a pandemic and everyone is having difficulty. Our athletes and coaches who bring honor to our country are no exception,” ani Sen. Go.
“Alam kong hirap din kayo sa inyong mga pondo dahil sa mababang remittances mula sa PAGCOR. Nabawasan na nga kamakailan ang kanilang mga monthly allowances, sana huwag naman ma-delay pa.”
“Alam kong kaya ninyong ma tugunan kaagad ito. Bilang Chair ng Senate Commitee on Sports, magtulungan tayo para sa kapakanan ng ating mga atletang nangangailangan nga yon , ” pahayag ni Go.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2