NAGSAGAWA ng ocular inspection ng venues at alignment meeting ang Philippine Sports Commission katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Ilocos Sur nitong weekend habang papalapit na ang 2022 Batang Pinoy (BP) National Championships na nakatakdang sumambulat sa Disyembre 17.
Inaasahang magtitipon ang nasa 7,000 atleta, coaches, opisyales, magulang, spectators at 300 volunteers mula paaralan at pribadong kumpanya, Ilocos Sur LGU sa pangangasiwa ni Provincial Sports Coordinator Ryan Vera Cruz na nag-aasure sa lahat na handa na ang punong abalang lalawigan para sa prestihiyosong kaganapang Batang Pinoy.
Ang mga kumpetisyon sa archery, badminton, chess, table tennis, at swimming ay raratsada agad sa araw mismo ng opening ceremony. Ang edisyong ito ay kauna-unahang face to face competition sa naturang palaro matapos ang pandemya.
“We are assuring the safety ang comfort of our participating athletes coming in the province with the upgrading of amenities each of the 21 billeting schools that will be used for the games through the initiative of Ilocos Sur Governor Jerry Singson”, wika ni Vera Cruz.
Pinangunahan ang ocular inspection nina PSC North Luzon Sports Coordinator Edwin Llanes at Batang Pinoy National Secretariat head Alona Quintos.
May virtual competition din ang Batang Pinoy sa mga event na arnis, dance sport, judo ,karate, muay, pencak silat, taekwondo at wushu na matutunghayan sa PSC Youtube Channel mula Disyembre 11-15.
More Stories
1ST SOUTHEAST ASIA SUDOKWAN C’SHIP IHU-HÒST NG PILIPINAS
US MAGBIBIGAY NG $1-M PARA SA PEPITO VICTIMS
3 SOKOR FUGITIVES NASUKOL NG BI