Binuksan ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang resistration center kahapon para sa Philippine Indentification System (PhilSys) o National ID sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).
Sinimulang buksan ang nasabing registration center noong Marso 1 at matatapos sa Marso 31, mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon na matatagpuan sa Multipurpose Hall, 3rd floor ng naturang terminal.
“With the push from PSA to close the online registration, we are grateful to be part of PhilSys’ roster as one of the registration centers to help our passengers avail this valid ID while they are at the landport,” ayon kay Jason Salvador, Corporate Affairs and Government Relations Head ng PITX.
“Some of our passengers are actually thankful to this initiative because this is accessible for people without internet, and time to do it in the malls,” pagpapatuloy pa nito.
Tumatanggap ang registration center ng walk-in applicant na may isang Valid ID o PSA Birth Certificate para makapagparehistro.
Para kumpletong detalye, maaring bistahin ang mga pasahero ang website ng PSA sa https://www.philsys.gov.ph.
More Stories
DOH SA PUBLIKO: GAWING LIGTAS, MALUSOG ANG HOLIDAY SEASON
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
Navotas, tumanggap ng Gawad Kalasag