November 24, 2024

PS5 DELIVERIES INIIMBESTIGAHAN MATAPOS IREKLAMO (Pagkain ng pusa at bigas bumulaga sa mga customer)


Iniimbestigahan na ng Amazon ang shipment ng PlayStation 5 consoles matapos madismaya ang mga customer nang dumating ang kanilang inorder ng PS5.

Idinaan na lang sa Twitter ang reklamo ng mga excited na gamer matapos dumating ang kahon ng in-demand na Sony console subalit iba ang laman nang ito’y kanilang buksan.

Isa sa mga Twitter user na si @flagwithoutwind ay nakatanggap ng car food, 5 kilo ng bigas naman kay @iamadamsullivan, habang air fryer naman sa journalist na si Bex May.

“Delivery was fake ‘missed’ at midday with a ‘we couldn’t deliver’ message (with no attempt at delivery made),” ayon kay May.

 “Now looks like it was siphoned off then before reappearing this evening, replaced with an air fryer inside.”

Hinala ng mga customer na ang driver ang nagnakaw ng kanilang PS5. Samantala, naglabas ng pahayag ang Amazon upang tugunan ang mga reklamo, ayon sa ulat ng The Guardian noong Biyernes, Nov, 20.

“We’re really sorry about that and are investigating exactly what’s happened. We’re reaching out to every customer who’s had a problem and made us aware so we can put it right. Anyone who has had an issue with any order can contact our customer services team for help.”

Ilulunsad ang PS5 sa Pilipinas sa Disyembre 11 at mabibili sa halagang P27,990.