Tapos na ang 70th edition o Miss Universe 2021 na idinaos sa Eliat, Israel. Nakoronahan na ang pimakamagandang dilag sa sansinukob. Nagreyna ang pambato ng India na si Harnaaz Sandhu sa torneo, isang model-actress.
Walang dudang maganda siya at ismarte. Ang lakas ng dating. Pero, sa ganang natin mga Pilipino, masaya na tayo sa narating ng ating pambato. Proud tayo kay Beatrice Luigi Gomez. Parang nanalo na rin siya sa labang ito.
Nakapasok siya sa Top 21 at hanggang Top 10. Umusad pa siya sa Top 5, ngunit nabigong pumasok sa Top 3. Alam nating ginawa niyang lahat ng makakaya. Sa gayun ay mabigyan niya ng karangalan ang Pilipinas. Sino ba naman ang ayaw na mapabilang sa Miss Universe winners.
Sa kasaysayan ng torneo, apat sa ating pambato ang nakoronahan na. Ito ay noong taong 1969, 1973, 2017 at 2018. Pero sadyang mailap pa ngayon ang suwerte. Pero, ipinakita ng mga Pilipino ang wagas na suporta. Na kahit saan mang bansa, may solid supporters.
Walang dudang kinatatakutan na ang Pilipinas na ganitong patimpalak. Malay natin, sa susunod na taon ay makuha na uli natin ang korona. Para kay Beatrice, ‘nothing to be ashamed of‘. Proud kami sa iyo.
More Stories
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna
Hen. Antonio Luna, Dangal ng Lahing Pilipino
Ang Pagbabalik ni Hen. Douglas MacArthur