Kuha noong Jan. 29 ng Agila ng Bayan
NANAWAGAN si Philippine National Police (PNP) Chief General Archie Gamboa sa magsasagawa ng rally sa darating na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo 27 na mag-online protest na lang.
Sa isang news briefing ngayong Lunes, Hulyo 20, sinabi ni Gamboa na naging maluwag ang PNP sa mga rally na dinaluhan ng libo-libong raliyista noong nakaraang SONA. Pero iba ngayong taon dahil sa coronavirus pandemic na higit sa 67,000 katao na ang tinamaan sa Pilipinas.
“We are requesting, if you can, just do it online. Because these are not ordinary times,” ayon kay Gamboa.
Babala ng pinuno ng PNP na mahigpit pa ring ipinagbabawal ang mass gathering sa ilalim ng quarantine rules.
Noong Hunyo 26, inareso ng Manila police ang 20 LGBTQI+ matapos magsagawa ng programa laban sa kontrobersiyal na Anti-Terror Law.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA