PINALULUTANG ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang siklista na tinutukan ng baril ng dating pulis para hikayatin na makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan upang magsampa ng kaukulang kaso.
Inilabas ni Mayor Belmonte ang panawagan matapos aminin ng dating pulis na naayos na ang nasabing isyu.
Sa pagkakataong ding ito, inatasan ni Belmonte ang People’s Law Enforcement Board (PLEB) ng QC na imbestigahan kung papaano hinakawan ng Quezon City Police District ang kaso, matapos siyang madismaya kung bakit pinayagan ng Galas Police Station (PS-11) na mauuwi ang insidente sa areglo.
“We are appealing to the complainant to come forward so that Willy Gonzalez, whom I consider a menace to society, is held accountable. We want to assure the cyclist that we will extend legal assistance, as well as put him and his family in our protection, so that justice is served. I will not allow this case to be whitewashed. Maaaring natatakot ang biktima na humarap dahil ang nakatapat niya ay taga-gobyerno. Nais nating bigyang-diin na walang puwang ang karahasan sa ating lungsod,” saad niya.
Nitong Linggo, nagsagawa ang QCPD ng press conference kasama ang driver ng sasakyan na nagpakilalang si Wilfredo “Willy” Gonzales matapos mag-viral ang video sa social media kung saan nakita ang ginawa niyang panunutok ng baril sa hindi armadong siklista sa nangyaring alitan sa kalsada.
“This culture of impunity is not acceptable in QC and I have a duty and responsibility to maintain peace and order in our city and to send a strong message that acts such as those committed shall not be tolerated and that he must be held accountable,” dagdag ni Belmonte.
Sakaling lumapit sa kanila ang siklista, ang naturang siyudad ay posibleng magsampa ng kaso laban sa dating pulis tulad ng: Grave Threat, Slander by Deed, Reckless Imprudence, Physical Injuries, Violations of RA 10591 or absence of a License to Own and Possess a Firearm; absence of Permit to Carry.
Bukod pa rito, nakasaad din sa Section 8.2.2 ng City Ordinance SP-2636 S-2017 o QC Road Safety Coad na: “no driver shall permit his/her vehicle to block any portion of the bicycle lane. At no time shall any vehicle use, straddle, or obstruct the designated bike lane.”
Binigyang-diin ng naturang alkalde na lalong palalakasin ng lokal na pamahalaan ang safety sa bike lanes at magde-deploy ng mas maraming bike patrols para protektahan ang mga siklista at panatilihin ang kaligtasan sa kalsada.
“We would like to eassure the cycling community and all our citizens for that matter that the city is willing to exhaust all means to demonstrate to them that we will act in their interest and in the pursuit of justice,” saad niya.
Nagpapasalamt din siya sa Philippine National Police, partikular sa Firearms and Explosive Office, para bawiin ang License To Own and Possess Firearm (LTOPF), Firearm Registration (FR) at Permit To Carry Firearms Outside Residence (PTCFOR) ni Gonzales. “He is not only an irresponsible gun owner with anger management issues, but a danger to our people,” ani BelmonteBelmonte.
More Stories
NBI nasamsam ang mga pekeng Chanel na nagkakahalaga ng P44-M sa Makati City
MMDA sinuspinde ang number coding scheme para sa holiday season
BuCor bubuo ng board upang pag-aralan kung pasok si Veloso sa GCTA