January 23, 2025

Programa ng gobyerno palpak dahil sa LGU?

“A government, for protecting business only, is but a carcass, and soon falls by its own corruption and decay,”  Amos Bronson Allcot.

May punto at katotohanan kung ang pagbabasihan ang kasalukuyang estado ng ating lipunan.

Maraming programa ang inilatag ng pamahalaang ito. Samu’t saring batas na binalangkas at naging batas subalit ang masaklap ang epekto nito at tila kumakatig lamang sa may sinabi sa estado.

Sa naging kalagayan ng ating mga kababayan marami ang sumisigaw ng patas na inplementasyon ng batas. Dahil daw gaya ng dati ang pinapasunod lamang nito ay mga mahihirap at walang koneksiyon sa mga namununo nito.

Dahil sa batas na inilatag ng pamahalaan , mahihirap at ordinaryong manggagawa ang mahigit na naapektuhan. Umabot sa 7 milyon nating kababayan ang nawalan ng hanapbuhay.

Umasa at pinaasa na kakalingain ng pamahalaan sang-ayon sa programang hinubog daw sa pangangailangan ng mga naghihilahos.

Subalit sa halip na matuwa nag-alsa pa ang sambayanan sapagkat hindi nakakarating ng maayos ang ayuda ng pamahalaan dahil sa pagmamanipula  ng ilang local government.

Marami sa ating mga kababayan ang hindi inabot ng ayuda dahil sa di-umano’y ibinigay na kapangyarihan sa mga kapitan na piliin ang bibigyan at kung sino dapat ang mga dapat at hindi dapat mabiyayaan.

Ayon sa ating mga kababayan dapat sana ang ating mga barangay ang kumakalinga sa kanilang mga nasasakupan subalit hindi ito ang nangyari.

Marami ang napabayaan, marami ang nagutom at naghihikahos sa pagbaba ng quarantine. Ang siste nasaan ang pondong inilaan ng pamahalaan para sa mahihirap?

Nasaan ang ayuda para sa mga jeepney driver na pinahinto ang pasada? Nasaan ang ayuda para sa mga trabahanteng nawalan ng trabaho dahil sa pagsasara ng mga kumpanya? Ang mga kumpanyang nagsara hindi malaman kung magbubukas pa.

Ayon sa report ng mga naapektuhan ng dagdag-bawas sa ayuda, nabigyan ang hindi dapat bigyan. Ang mga kawawang dapat bigyan halos mamalimos para makakain. Lahat ng iyan ay dahil sa korupsiyon na hindi nawawal sa sistema ng pamahalaan.

Marami din ang nagsasabi na ang mga batas na inilatag nitong kasagsagan ng ng pandemic ay anti-poor. Sapagkat ang labis na naapektuhan ay mga mahihirap at mga maliliit na kumpanya.

Napakaraming storya ng kahirapan at pang -aapi pero hindi natugunan ng pamahalaan dahil sa political will at pagmamalasakit ng lokal ng pamahalaan lalo na ang barangay — hindi naman po natin nilalahat. Alam nila kung sino sila. Kunsensiya na lamang nila ang iiral — kung mayroon man.

Ang nangyari kasi, mga Cabalen, kung ika’y nakatira sa bahay na bato, may sasakyan nga subalit nawalan ka ng trabaho hindi ka pa din bibigyan ni Kap. Kainin mo ang bahay na bato at sasakyan mo. Dahil pipiliin ni Kap na bigyan ang lahat ng taga- barangay kasama ang sangkaterbang kamag-anak na nakatira sa kanyang barangay.

Ang sabi ng DILG kakasuhan ang mga barangay officials na napatunayang nagkasala na may kaugnayan sa pamimigay ng ayuda.

Sana nga magakatotoo. Sana nga Usec Diño at Sec Año!