December 25, 2024

PROF. CLARITA CARLOS AYAW MAGING PANELIST SA SMNI DEBATE NG ISANG KANDIDATO

Ibinunyag ni Political Science Professor Clarita Carlos na may isang kandidato na hindi dumalo sa Sonshine Media Network International (SMNI) ang ayaw siyang maging isa sa mga panelist.

Sa kanyang Facebook post, ikinalungkot ni Carlos ang balita na nakarating sa kanya tungkol sa isang kandidato na imbitado sa debate na gusto siyang matanggal sa mga taong magtatanong sa mga nangangarap maging susunod na pangulo ng bansa.

Sabi kasi diumano ng nasabing kandidato ay pupunta lamang siya sa nasabing debate kung wala si Carlos sa mga panelist.

“Not to feed more “noise” in this platform. But, the allegation that one candidate wanted me out as a panelist, as a condition for that candidate to attend last night’s debate, if confirmed, is just TRAGIC,” ani Carlos.

Sinabi din ng propesor na galing mismo sa SMNI ang balitang ito.

“It was confirmed by the network though, that one candidate kept on asking details about the program and led them to believe that candidate was coming, until she/he withdrew in the end,” sabi ni Carlos.

Hindi pa pinapangalanan ng SMNI kung sino ang kandidatong ito na ayaw na makatanggap ng tanong mula sa propesor.

Matatandaan na apat na kandidato sa pagkapangulo ang inanunsyo ang hindi nila pagdalo sa SMNI.

Ito ay sila Senador Manny Pacquiao, Sen. Ping Lacson, Vice President Leni Robredo at Manila City Mayor Isko Moreno.

Nag viral naman sa social media si Carlos at nakatanggap ng papuri sa mga netizen dahil sa hirap ng mga tanong na kanyang ibinigay sa mga kandidato sa SMNI debate.

Isa si Carlos sa mga lantaran na bumabatikos sa mga news outlet na nagbibigay ng madadaling tanong sa mga kandidato.

Ilan sa mga binatikos niya ay si Jessica Soho na tinawag na “game show” ang panayam ng mamamahayag sa mga kumakandidato.