NASA sa P10 milyon ang inalaan ngayong taon upang palakasin ang produksyon ng baboy at isda sa lalawigan ng Ilocos Norte, ayon kay Provincial Board member Domingo Ambrocio, chair ng committee on agriculture.
Pinondohan sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang halagang ito ay para sa pagbili ng high-quality breeders, pati na rin ng pagpapalawak ng fish breeding station sa Barangay Nalvo, Pasuquin.
Bilang isang agricultural province, patuloy na pinapalawak ng Ilocos Norte ang kanilang food security plan upang matugunan at madagdagan ang demands ng lumalaking probinsiya at iba pang lalawigan gayundin sa Metro Manila, ayon kay Ambrocio.
Dahil sa pagpapatuloy na banta ng climate change, pinagpala pa rin ang Ilocos Norte na magkaroon ng isang kanais-nais na klima at masisipag na tao upang mapanatili ang mga programa sa agrikultuira, dagdag pa niya.
Bilang isa sa mga priyoridad na programa ngayong taon, ang produksyon ng baboy sa Pasuquin ay palawakin kasama ang pagdaragdag ng higit sa 40 bagong mga breeders ng baboy, kasama na ang Dingras breeding station, na nag-aambag sa pagbuo ng kita.
Sa halip na mag-import ng isda mula sa iba lalawigan at abroad, ang pamahalaang panlalawigan, sa pagkikipagtulungan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, ay magtatag ng isang fish hatchery para sa bangus at Malaga upang madagdagan ang produksiyon ng isda rito.
Itatayo ang fish hatchery sa 200-square meter na lote sa Nalbo fish farm kung saan ang mga interesadong fish growers ay marring makakuha ng libreng fingerlings mula sa provincial government.
Sa pinakabagong ulat sa isang survey ng produksyon ng isda, ang pangkalahatang produksyon ng pangisdaan ng rehiyon ng Ilocos ay nabawasan ng 5.83 porsyento mula sa 38,173 metriko tonelada noong 2019 hanggang sa 35,947 metric tone noong nakaraang taon.
Ang llocos Norte ay may tinatayang 6 porsyento na bahagi ng total fisheries production sa rehiyon na may 2,176 metric tons na nai-produce noong 2020.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA