Para kay Senate President Juan Miguel Zubiri na isang international embarrassment at malaking kabiguan sa turismo ng bansa ang naganap na sakuna sa NAIA noong Bagong Taon, kung kaya’t dapat lamang na may managot.
Ito ang naging pahayag ni Zubiri hinggil sa nakakahiyang air traffic control shutdown sa NAIA noong Enero 1, 2023.
Sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi ni Zubiri na gusto niyang marinig ang panig ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) hinggil sa isyu.
Aniya hindi siya papayag na walang magbabayad sa nangyaring kapalpakan ng CAAP dahil isang international embarrassment ang nangyaring insidente.
Dapat itrato aniya na isang criminal investigation ang mangyayaring pagdinig sa Senado dahil hindi katanggap-tanggap ang naging dahilan ng CAAP.
Bagamat hindi pa siya makapagbigay ng direktang hatol pero kailangan malaman kung anong nangyari at kailangan malaman ang timeline ng pangyayari.
“Hindi sapat ang dahilan ng nagkaproblema lang kailangan malaman sino ang pumalpak at pagbayaran ito,” ayon sa senador.
“Pasensiyahan na lang,” dagdag pa nito sa mga posibleng masagaan sa kanilang nakatakdang imbestigasyon.
Ayon sa NAIA 56,000 ang pasaherong naapektuhan dahil sa 266 kinanselang flights, 12 diverted, and 7 delayed flights.
Samantala, suportado ni Zubiri ang pagkakatalaga ni Carlito Galvez Jr., bilang kalihim ng Department of National Defense (DND).
Ayon kay Zubiri, matagal niyang nakatrabaho si Galvez noong panahong binubuo ang Bangsamoro Organic Law.
Napatunayan na aniya ni Galvez ang galing nito sa iba’t ibang kapasidad mula pa noong matalaga ito bilang pinuno ng peace process ng bansa gayundin sa pagiging vaccine czar nito.
Giit pa ng senador na may puso aniya si Galvez para sa bayan, kaya nararapat ito para sa kanyang bagong posisyon. Si Zubiri ang chairman ng makapangyarihang Commission on Appointments, na kinakailangan daanan ng mga bagong talaga na miyembro ng gabinete.
More Stories
1ST SOUTHEAST ASIA SUDOKWAN C’SHIP IHU-HÒST NG PILIPINAS
US MAGBIBIGAY NG $1-M PARA SA PEPITO VICTIMS
3 SOKOR FUGITIVES NASUKOL NG BI