December 29, 2024

Pro-China?
PALASYO: WALANG FAVORITISM
SA PAGKUHA NG COVID-19 VACCINE

Pumalag ang Malacañang sa patama ng dating special adviser ng Inter-Agency Task Force na nakababahala umano ang pagtarget ng ‘Pinas para sa Sinovac vaccine mula sa China.

Lahad ni Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi sila namimili sa makukuhang bakuna at tintingnan lang kung anong pwede nang mabili ng mas mabilis.

“Kung makakakuha tayo ng Pfizer, AstraZeneca at saka Moderna and Johnson & Johnson, well and good po,” ayon kay Roque.

“Pero ngayon po, the market is really demand-driven and we will get what we can procure. Wala po tayong favorites,” aniya pa.

Nabahala si ex-special adviser ng IATF na si Dr. Tony Leachon dahil aniya, kulang ang datos para mapatunayang ligtas ang bakuna ng Sinovac.

Nag-bid ang gobyerno ng Pilipinas para makakuha ng 25 milyong dose ng naturang bakuna