Kinumpirma ng Commission on Elections na nagsimula na rin ang printing ng mga balota na gagamitin sa automated election system sa Mayo 9.
Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, ang mga unang inimprenta na mga balota ay gagamitin sa Bangsamoro Region partikular sa lalawigan ng Lanao del Sur.
Sa ngayon aniya ay natapos na ang printing ng mga balota para sa manual Local Absentee Voting at Overseas Voting.
Sinimulan ng COMELEC ang pag-imprenta ng nasa 60,000 balota noong Huwebes habang nasa kabuuang 67,442,714 official ballots ang gagamitin para sa May 2022 elections.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA