November 5, 2024

PRINCE PHILIP NG BRITANYA PUMANAW NA, 99

Inanunsiyo ngayon ng Buckingham Palace ang pagpanaw ng asawa ni Queen Elizabeth II na si Prince Philip, ang Duke of Edinburgh, sa edad na 99.

Noong buwan ng Marso si Prince Philip ay lumabas ng ospital matapos ang halos isang buwan na pagpapagamot.

Sumailalim umano ito sa procedure dahil sa heart condition at sa isa pang pagamutan sa London hospital na St Bartholomew.

“It is with deep sorrow that Her Majesty The Queen has announced the death of her beloved husband, His Royal Highness The Prince Philip, Duke of Edinburgh,” bahagi ng statement ng Buckingham Palace. “His Royal Highness passed away peacefully this morning at Windsor Castle.”

Ikinasal ang prinsipe kay Princess Elizabeth noong 1947, o limang taon bago siya kinilalang Queen.

Ang dalawa ang itinuturing na longest-serving royal consort sa British history.

Sina Prince Philip at ang Queen ay may apat na mga anak at walong mga apo at 10 great-grandchildren.

Ang kanilang unang anak ay ang Prince of Wales na si Prince Charles na ipinanganak noong 1948.

Sinundan ito ng kapatid at Princess Royal na si Princess Anne noong 1950, at ang Duke of York na si Prince Andrew na ipinanganak, taong 1960, at ang Earl of Wessex na si Prince Edward, 1964.

Si Prince Philip ay ipinanganak sa Greek island ng Corfu noong June 10, 1921.

Ang ama ni Prince Philip ay si Prince Andrew ng Greece and Denmark, na nakababatang kapatid ni King George I ng Hellenes.

Ang ina naman niya ay si Princess Alice, na anak naman ni Lord Louis Mountbatten na isang great-granddaughter ni Queen Victoria.

Samantala patuloy din ang pagbuhos ngayon nang pakikiramay sa pagpanaw ng prinsipe.

Si United Kingdom Prime Minister Boris Johnson ang kabilang sa nanguna sa pakikidalamhati sa Royal Family.

Ayon kay Johnson, ang buhay umano ni Prince Philip ay nagbigay ng inspirasyon sa marami nilang mga kabataan.

“He helped to steer the Royal Family and the monarchy so that it remains an institution indisputably vital to the balance and happiness of our national life,” wika pa ni Johnson. “Prince Philip earned the affection of generations here in the United Kingdom, across the Commonwealth, and around the world.”