November 24, 2024

PRIBADONG SEKTOR DAPAT TULUNGAN ANG GOBYERNO SA PAGLIKHA NG TRABAHO

Ang soft opening ng Siobee Roasters Restaurant sa Unit 7 Tower 2 Xavierville Condominium, Granada Street, Quezon City ay dinaluhan nina (mula kaliwa) Marjorie Ang, Mark Yu, Richard Chua, John Ngo, isa sa mga may-ari; media personality Ms. Susan Cambri; Jerome Go, manager; Micole Ngo, manager; Yvonne Tsoi at negosyanteng si Ms Gloria Tan.

HINIKAYAT ng isang batang entrepreneur ang pribadong sektor na kumilos upang matulungan ang pamahalaan sa paglikha ng trabaho para maiangat ang bansa tungo sa paglago ng ekonomiya.

Naniniwala si Jerome Go, manager ng isang Chinese bar and roasted chicken restaurant sa Quezon City, na ngayong maluwag na ang regulasyon ng gobyerno lalo na sa health protocols ay unti-unti na ring makababawi ang mga negosyo.

Tinukoy ng batang executive ang pagtatayo ng mga kainan o restoran na aniya ay dapat maging friendly ang presyo ngunit masusulit ang pera ng mga kliyente.

Para sa katulad niyang Fil-Chinese na nagke-cater sa Chinese communities, kailangan din aniya na pag-aralan ang lugar nang pagtatayuan ng negosyo at huwag na makipagsiksikan sa mga over populated and crowded area gaya ng Maynila kung saan ay dikit-dikit ang mga bar at resto.

Kumpiyanasa si Go na may magandang pagkakataon sa mga maluluwag pang lungsod na maaaring paglagyan ng investment gaya ng Quezon City at mga karatig na lugar.

Sabi pa ni Go, lumalawak na aniya ang Chinese communities na hindi lamang matatagpuan sa Manila kundi sa iba’t ibang urban pangunahing lunsod sa bansa katulad

Iginiit ni Go na sa binuksang Siobee Roasters, bar and roasted chicken restaurant sa Quezon City ay mayroong alternatibo ang kapwa Chinese at mga Filipino na pagdarausan ng kanilang gatherings, malaki pa ang kontribusyon sa job creation ng pamahalaan.