Nilinaw ng Philippine Association Of Flour Millers, Inc. (PAFMIL) na ang pagtaas sa presyo ng tinapay ay dahil sa mataas na presyo ng mga ingredients.
Iginiit ng grupo na walang shortage sa suplay ng harina sa bansa kung saan mayroong 90 araw na available na suplay kung kakailangananin anumang oras.
Ayon kay PAFMIL Executive Director Ricardo Pinca, nakikitang problema aniya ngayon ay ang tumataas na presyo ng lahat ng ingredients sa paggawa ng tinapay.
Tinukoy din nito angnagpapatuloy na conflict sa pagitan ng Russia at Ukraine na exporter ng trigo na hindi naman direktang nakakaapekto sa ating bansa dahil ang tatlong pangunahing pinagkukunan nito ay sa Amerika, Canada at sa Australia.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA