January 22, 2025

PRESYO NG PULANG SIBUYAS PUMALO SA P300 PER KILO

Umabot sa P300 per kilo ang presyo ng pulang sibuyas sa Metro Manila mula sa dating P180 noong nakaraang taon.

Pero hindi klinaro ng Department of Agriculture (DA) kung kulang ang supply ng pulang sibuyas sa bansa.

Ayon kay Agriculture Assistant Secretary Krisitine Evangelista, naglalaro ang presyo ng pulang sibuyas sa P280 hanggang P300 kada kilo bases sa kanilang price survey sa capital region.

“Based on our monitoring of the markets, we have observed a spike in the price of red onion,” saad ni Evangelista sa Laging Handa public briefing.

Idinagdag pa nito na nakikipag-ugnayan na ang DA sa Bureau of Plant Industry (BPI) upang alamin ang dahilan ng pagtaas ng presyo ng pulang sibuyas.

Wala pa naman anyang plano ang pamahalaan na mag-import ng pulang sibuyas dahil mayroon pa namang aanihing red onions ang mga magsasaka sa bansa sa Disyembre.

Anya, titiyakin ng tanggapan kung ang aanihing mga pulang sibuyas ay makakasapat sa demand ng mamamayan lalo’t nalalapit na ang Kapaskuhan na mahalagang sangkap ito sa mga lutuin. Niliwanag naman ni Evangelista na sa Kadiwa stores ng pamahalaan ay pumapalo lamang sa P200 ang kada kilo ng red onions.