NA-MONINTOR ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagtaas ng presyo ng ilang Noche Buena items habang papalapit ang Christmas season.
Sa inilabas na listahan ng DTI, may ilang produkto ang tumaas nang higit sa 1% hanggang 5% ang presyo at may ilan din ang tumaas nang mahigit sa 10%.
Kabilang dito ang presyo ng keso de bola na naglalaro sa P199.50 hanggang P513.75 mula sa 177.40 hanggang P457.10 noong nakarang taon habang ang presyo ng elbow at salad macaroni ay naglalaro sa P23.
Habang ang simpleng keso ay nasa P54.35 hanggang P371 ang presyo mula sa dating P48.90 hanggang P350.
Naglalaro naman sa P23.55 hanggang P95.50 ang presyo ng spaghetti sauce mula sa dating P22 hanggang P85.90 habang ang tomato sauce ay P17.25 hanggang P92.25 mula sa dating P13.85 hanggang P80.55.
Nasa P24 hanggang P234 ang presyo ng mayonnaise, mas mataas ng P0.60 hanggang P23.45 noong 2021, nasa P26 hanggang P252 ang presyo ng sandwich spreas, mas mataas ng P0.60 hanggang P13.16 noong nakaraang taon.
Una nang sinabi ng DTI, na isa sa dahilan ng pagtaas ng presyo ng Noche Buena items ay bunsod nang tumataas na halaga ng raw materials.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE