DAGSA na sa ilang pamilihan sa Metro Manila ang mga mamimili, ilang araw bago ang pagdiriwang ng Bagong Taon.
Sa Mega Q Mart sa Cubao, Quezon City, sinabi ng mga tindero na tumaas na presyo ng kanilang panindang bilog na prutas.
Paliwanag nila, nagtaas ng presyo ang kanilang mga supplier at inaasahang magpapatuloy pa ang pagsirit ng presyo sa Disyembre 30-31.
Tinatayang nasa P10-P20 ang itaas sa piling mga purtas habang papalapit ang bagong taon. “Ngayong araw po hindi pa ganun kalakas ‘yung benta tapos sumabay pa po ‘yung ulan,” ayon kay fruit stall staff Luiz Cahanding.
Ilan sa mabentang mga prutas ay ang mansanas na naglalaro ang presyo mula P100 kada 3 piraso; ponkan sa P10-35 piraso; kiat-kiat na P130 per kilo at ubas na P200 – P400 per kilo.
More Stories
BILANG NG SCAM COMPLAINTS NAGING TRIPLE NOONG 2024 – CICC
Wembanyama napili bilang isa sa mga reserve para sa kanyang unang NBA All-Star Game
EX-NCAA BASKETBALL PLAYER TINAMBANGAN PATAY