Nagsimula nang bumaba bumaba na ang presyo ng bigas at sibuyas, ayon sa Department of Agriculture.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon public briefing, inihayag ni DA Assistant Sec. Arnel de Mesa na nararamdaman na ang unti-unting pagbaba ng presyo ng bigas, na naglalaro na lamang sa P45-48 per kilo para sa regular at well-milled rice.
Inaasahan umanong magiging stable pa ito dahil sa malaking ibinaba ng presyo sa international market, o $570 per metric ton.
Bukod dito, gumaganda na rin umano ang ani ng mga magsasaka.
Samantala, sinabi pa ni de Mesa na noong nakaraang linggo ay bumaba na sa P80 mula sa P100 ang presyo ng kada kilo ng pula at puting sibuyas.
Ito ay dahil umano sa pagtaas ng area ng taniman ng sibuyas, habang hindi pa rin ganoon kalaki ang epekto ng harabas o army worm.
More Stories
P10.4M Confidential fund nawawala… VP SARA SWAK SA ASUNTO – REP. LUISTRO
PILIPINAS NAGHAHANDA NA PARA MAG-HOST SA FIVB 2025 MEN’S WORLD
BILANG NG KASO NG DENGUE SA NCR LUMOBO