January 23, 2025

PRESONG TUMAKAS SA NEW BILIBID PRISON, NAGPANGGAP NA BISITA

Posible umanong nagpanggap na bisita kaya nakatakas ang person deprived of liberty (PDL) na si Michael Cataroja na napaulat na nawawala sa New Bilibid Prison noong Hulyo, ayon kay Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Catapang Jr. nitong Biyernes, Agosto 18.

“Ang initial investigation [kung] papaano siya nakatakas, kasi ‘di ba may mga visitor, ‘yung mga visitor tinatatakan ng marker,” sinabi ni Catapang sa panayam habang nasa Iwahig Prison and Penal Farm.

“Nakapagpatatak daw siya, nakapagpatatak siya and then nakakuha din siya ng visitor’s pass and then nakapagpalit siya ng baro kaya nakalusot siya,” dagdag pa niya.

Sa kabila nito, ang mga ito ay under investigation pa rin at wala pang tiyak na impormasyon.

Matatandaang nitong Huwebes ay inanunsyo ng BuCor na si Cataroja ay naaresto ng Angono police sa Sitio Minahan Bato, Barangay San Isidro nang ikanta ng isang concerned citizen.

Siniguro naman ni Catapang na iimbestigahan itong mabuti.

“Those who are responsible will have to…we will file cases against them of negligence of duty which can be tantamount to their dismissal from the service,” anang opisyal.

Nang tanungin naman kung nagkaroon ba ng sabwatan, ang tugon ni Catapang: “Everything is possible.”

“Lahat ng iniisip ninyo na theory or what do you call that, ‘yung parang nag-connive sila or whatever, that can, that is possible… But ‘yung inquiry sasagot niyan,” ani Catapang.

Iimbestigahan naman ang commander of the guards, ang superintendent ng NBP at Maximum Security Compound, directorate for security and operations, at deputy director general for operations.

Unang inihayag ni dating NBP Superintendent Angie Bautista ang pagkawala ni Cataroja.

Nagresulta ito sa congressional inquiry kung saan pinaniniwalaang si Cataroja ay nakatakas.

Matatandaan na sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na “fake news” ang balitang si Cataroja ang natagpuang kalansay sa septic tank ng NBP. The deadliest wildfire in the United States in more than a century devoured homes and businesses, blackened cars and left only ruins where thriving neighborhoods once stood. Reports indicated that the flames spread as fast as a car at highway speed – or a mile a minute – in some areas.