Nakatutulong ba talaga ang Presidential Debate sa mga kandidatong dumadalo rito? ‘O ilalagay lang sa alanganin at kahihiyan? ‘Yan ang senaryong nakikita natin sa mga ganyang gimik.
Hindi natin sinasabing lahat ng ganito ay gayun. Pero, kung may ibang motibo, aba’y yari ka! Ang siste kasi ng iba, dapat daw daluhan ang mga gayun. Kasi, inihahalintulad nila ang isang presidentiable sa isang applicant.
Dapat daw kapag interview, dadalo ka para makapasa. Kung hindi, papaano ka matatanggap sa trabaho. ‘Yan ay isang pambatang katuwiran.Hindi basehan ang pagdalo dyan para sa sabihin ang iyong plataporma. Nariyan ang social media, rally at pagdalo sa mga pagtitipon. Ganyan ang ginagawa ng ibang politiko.
Kung alam mong wala kang dalang bala sa interview, huwag kang dumalo. Sa halip na kumislap ka roon, baka mapahiya ka. Karapatang dumalo ng isang kandidato kung gusto niya. Pwede rin namang hindi.
Para makatiyak ang kandidato na hindi siya mapapahiya, kailangang mag-aral muna siya. Kilatisin ang mga pwedeng itanong. Huwag ibato ang personal na isyu. Lalo na yung paulit-ulit na parang sirang plaka.
Tandaan, hindi barometro ang pagdalo run para maging kuwalipikado ka. Sa taumbayan ka mag-aaplay at hindi sa mag-iinterview. Kung alam ng kandidato na makatutulong sa kanya ang gayun. Dumalo ka upang ipahayag ang iyong sarili at plataporma.
Gayunman, maging handa sa kritisismo. Kapag naramdaman ng isang kandidato na dehado siya run, huwag pumunta. Baka matulad lang sa isang toro. Na sa halip na sa pastulan dalhin ay sa katayan pala.
More Stories
ANG KANLURANG DAGAT NG PILIPINAS
Ang Disyembre ay Buwan ni Rizal
Elpidio R. Quirino, Guro to Pangulo