December 23, 2024

PRESIDENTE NG BRAZIL PINAGMULTA DAHIL SA PAGSUWAY SA COVID-19 RESTRICTION

PINAGMUMULTA si President Jair Bolsonaro matapos nitong suwayin ang state health safety regulations sa isang public event, ayon sa gobernador ng Maranhao state, habang patuloy na nakikipaglaban ang Brazil sa COVID-19 pandemic.



Nagsampa rin ng kaso ang health authorities laban kay Bolsonaro dahil sa promotion sa Maranhao ng pagtitipon ng walang sanitary safeguards.

“Walang sisinuhin ang batas,” ayon sa tweet ng governor ng northeastern state at leftist na si Flavio Dino.

Ipinaalala ni Dino sa publiko na bawal ang pagitipon ng mahigit sa 100 katao sa kanyang lugar at mandatory ang pagsuot ng face mask.

May 15 araw pa ang tanggapan ni Bolsonaro para umapela, at pagkatapos ay maitatakda ang halaga ng multa.

Noong Biyernes, namahagi ng titulo si Bolsonaro sa Acailandia, nasa 500 kilometro (310 milya) mula sa Luis, capital ng Maranhao state.

Sa naturang event, tinawag ni Bolsonaro habang walang suot na mask si Governor Dino na “matabang diktador.”

Sinasalungat ng Brazilian president ang COVID confinement rules at inuupakan ang mga state governor na nagpapatupad  ng local health restriction bilang “diktador.”

Pangalawa ang Brazil sa buong mundo na may pinakamaraming bilang ng namatay dahil sa COVID-19.