Inihayag ni president elect Bongbong Marcos Jr. na siya muna ang hahawak ng isang ahensiya. Ito ay ang Department of Agriculture (DA) at pamumunuan niya ito sa pag-upo niya sa puwesto.
Mahalaga ang ahensiya ng DA at isa ito sa dapat tutukan. Ang nasabing departamento ang nagiging kaban ng produksyon ng pagkain sa bansa. Mabibilang ang sector ng agrikultura sa pundasyon ng ating ekonomiya.
Gayunman, hindi ito nakaiwas sa mga anomaly at kontrobersiya. Sinasabing isa pa nga ito sa korap na ahensiya.
Kaya siguro hahawakan ito ni Pres. BBM upang maisakatuparan niya ang kanyang adhikain. Siguro, para maikasa talaga niya ang tinurang P20 ang pinakamurang kilo ng bigas.
Layun din nitong mapalakas ang produksyon ng bigas at iba pang pagkain. Naiwan na kasi tayo ng kanugnog natin ng bansa sa Timog-Silangang Asya. Na rati’y estudyante lang natin sa paglinang ng produksyon ng bigas.
Subalit ngayo’y sa kanila na tayo nang-aangkat kapag kinapos sa suplay. Bagay na hindi dapat mauwi sa gayun. Sa pag-alis ng dating DA secretary William Dar, aasahan natin na magkakaroon na ng pagbabago sa ahensiya.
Lalo na’t hindi tayo makakaiwas sa krisis sa pagkain. Pero, gagawan na ito ng hakbang sa abot ng makakaya ng bagong Pangulo.
More Stories
PAGPASA NG P3.5 BILYONG BUDGET NG MARIKINA, NAAYON BA?
MGA MAYOR SA RIZAL SUPORTADO SI CHAVIT SINGSON
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE