Target ng Premier Volleyball League (PVL) na ikasa ang inaugural season sa July 17. Palalo ang PVL sa bilang bagong bihis na professional league.
Gayunman, sinabi ni PVL president Ricky Palou na hinihintay pa ng liga ang approval ng GAB. Aniya, susulat sila sa ahensiya upang payagan na idaos ang season sa gayung petsa.
Nakipag-ugnayan din ang PVL sa provincial goverment sa Laoag, Ilocos Norte. Dahil doon target ng liga na ganapin ang opening. Hinihintay din ng liga ang approval ng nasabing lalawigan.
Kung matutuloy, papalo ang liga roon ng 7 weeks. May 5 rounds ito na tatagal naman ng 5 weeks at ang playoffs ay tatagal ng 2 weeks. Tatlong games ang gagawin kada araw sa elimination round sa loob ng 6 weeks.
“That’s (July 17) what we’re working on right now,” ani Palou.
“As soon as we submit all the documents to GAB, maybe after days and after they inspect the venue and the hotel, they would approve it.” dagdag ni Palou.
More Stories
All-time best ng PH bets naitala sa day 3 ng ICF World Dragon Boat C’ship… GOLD RUSH NG TEAM PILIPINAS!
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Angas ng Pinas sa Asian Kickboxing… ATLETA NI SEN. ‘TOL’ TOLENTINO HUMAKOT NG GINTO!