January 19, 2025

Prebillo, Molina at UNO-R, buwenamanong ginto sa PSC-ROTC Games

 INANGKIN nina Piepet Prebillo, Peter Molina pati na men at womens’ team ng University of Negros Occidental-Recoletos ang unang apat na gintong medalya na nakataya sa athletics event ng ginaganap dito na 2023 Philippine Reserve Officers Training Corps (PRG) sa Iloilo Sports Complex.

Itinala ni Prebillo, na tanging lahok ng Filemar Christian University-Roxas City ang tiyempro na 28.0 segundo upang magreyna sa women’s 200m run sa pinakaunang edisyon ng multi-sports na torneo na para sa mga kadetang atleta sa bansa.

“Hindi ko po iniexpect na manalo. Ginawa ko lang po best ko,” sabi ng 20-anyos na incoming 2nd year Criminology student at varsity ng FCU. “Masaya po ako na meron na ganitong tournament kasi po nakikila namin at naka-bonding ang ibang mga ROTC sa iba-ibang schools at regions,” sabi pa ni Prebillo na nais maging Army.

Pumangalawa si Carla Lucero ng CAPSU-Army (28.4s) at pangalto si Ma. Eden Cornelio ng WVSU – Calinog (28.5   

Isinumite naman ng 20-anyos na home best at Physical Education major na si Molino ang mabilis na 23.5 segundo upang angkinin ang una sa inaasam nitong dalawang gintong medalya para sa West Visayas State Uniersity na mga nakataya sa sprints sa pagwawagi nito sa men’s category.

“Unexpected po ang panalo ko kasi nakita ko na malalakas din ang nakapasok sa finals. Inisip ko na lang po na kaya ko ibigay ang best ko,” sabi ni Molina, na nagnanais maging myembro ng Air Force.

Tinalo nito sina David Malagat ng GSU -Army at Dexter Puelo ng CPU na kapwa nagtala ng 23.6 segundo.  

Winalis naman ng UNO-R ang men at women’s 4×100 category.

Nagtulungan sina Jearel Talaver, Clara Largaista at ang magkapatid na sina Angelica at Marla Jean Bacaro itala ang 57.7 segundo para masungkkit ang ginto bago sumunod ang quartet nina John Lloyd Moreno, Daid Paul Balagat, Christian Sericon at Romeo Constancio sa pagsumite ng 47.6 segundo.

Pumangalawa sa women’s ang ISAT-U (1:02.9m) at pangatlo ang WVSU (1:03.4m) habang sa men’s ay pangalawa at pangatlo ang WIT (49.4s) at SAC (49.6s).

Samantala’y nagwagi naman sa volleyball ang Guimaras State University kontra Colegio de Santa Ana de Victorias, 18-25, 2-24, 25-23, 10-25 at 15-11, ang Leyte College kontra Iolio Science and Technology-U, 25-19, 25-1, at 25-17 pati na ang Univesity of Iloilo (UI) konta Univesity of Antique (UA) via walk-over.  

Sisimulan naman ngayon ang kompetisyon sa medal rich at national sports na arnis sa pagsasagawa ng men at women’s forms competition simula alas-9 ng umaga sa SM Iolilo City.

Sasambulat din ang aksiyon sa Olympic sports na boxing sa Activity Center ng Robinson’s Jaro sa mga kategorya na flyweight (45-51kg) at bantamweight (51-54kg).