November 3, 2024

PRC namigay ng health kits sa evacuation centers sa Bicol

BUKOD sa pamamahagi ng relief at iba pang humanitarian assistance, namigay rin ang Philippine Red Cross (PRC) ng health at medical kits sa pamilya na labis na naapektuhan ng bagyong Rolly sa Bicol upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa mga evacuation center.

Iginiit ni PRC chairman at CEO Senator Richard Gordon ang kahalagahaan ng maayos na kalusugan at kalinisan habang ilang daang libong indibidwal ang nanatili sa pansamantalang tirahan matapos ang pananalasa ng bagyo ngayong taon na sumira sa kanilang mga tahanan.

“Madaling kumalat ang iba’t ibang nakakahawang mga sakit sa mga evacuation centers dahil sa dami ng taong sama-sama doon. Kailangan nating pangalagaan ang mabuting kalusugan ang mga taong nasa evacuation centers at panatilihin ang kalinisan doon kaya kami ay nagsagawa ng mga hakbang para rito,” saad niya.

Wika pa ni Gordon, bukod sa sapat na supply ng maiinom na tubig, nagtayo rin ang PRC ng health o first aid stations sa mga evacuation center.

Nagpadala rin aniya ang PRC ng halos sa 20,000 face mask at 1,500 face shield. “This is just the first shipment, most of which will be distributed to our staff and volunteers, to ensure uncompromised delivery of services to the affected families,” saad niya.