NAGLABAS ng pahayag si Senator at Philippine Red Cross Chairman Richard Gordon kasunod ng patutsada ni Pangulong Rodrigo Duterte na “mukhang pera” ang humanitarian group.
Kasunod ito sa pagsususpinde ng PRC sa COVID-19 test dahil sa utang ng PhilHealth na P1.1 bilyon.
“I’ll give him (Duterte) the benefit of the doubt. Baka naman ang tinutukoy n’ya ‘yung talagang nagsamantala nung hindi kami nag-test kasi ang baba ng test namin, ‘yung halaga,” pahayag ni Gordon. ”
“Pero sabi ko lang, dahan-dahan naman sa pananalita because nakakatulong naman kami. Hindi naman kami umutang, sila ang umutang, sila nagpa-test, ginawa namin. ‘Di ba dapat bayaran ninyo?… I’m giving him the benefit of the doubt out of respect to the president,” dagdag pa nito.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA