AGAW=PANSIN ngayon sa mga Facebook user ang isang social engineering scam na nagkakalat ng malware o mapaminsalang software sa Facebook.
Sa sistemang ito, ang mga user ay maita-tag ng alinman sa mga contact o hindi kilalang mga tao sa isang post na may kasamang link na isa umanong adult video.
Ang sexual content na ito ang dahilan para maengganyo ang isang user upang mapunta sa isang external site kung saan ire-request sa kanila na i-download ang isang Flash player para maituloy ang panood ng naturang video. Imbes na pornograpiya, makakaranas ang mga viewers ng isang malware infection, kung saan malalagay sa panganib ang kanilang personal na impormasyon, at maha-hack ang Facebook account para maituloy na maikalat ang malware.
Maiiwasan lamang ang tinatawag na “Porn tagging” ng security researchers kung hindi iki-click ang kahina-hinalang link, lalo na kung ang content ay nai-tag ng hindi kilalang tao.
Maari mo ring i-review ang domain sa pamamagitan ng pag-hover sa Facebook post. Lilitaw ang link sa ibabang kaliwa ng browser kung ikaw ay nasa desktop. Para sa mobile user, pindutin lamang ang 3 dots sa bandang itaas ng kanan ng post at i-copy paste ang link sa notepad.
Kung ang link ay hindi pamilyar o kung ito ay isang pinaikling link na nagkukubli sa isang mapanganib na URL, mas mabuti na resolbahin agad ito – lalo na kung ang post ay nakakahindik, nakakagulat o nakakaakit ng emosyon at pandama.
Kung nai-click mo man ang link, narito ang ilang bagay na dapat mong gawin:
1. Change your password. Facebook lays out the steps here if you need help. https://www.facebook.com/help/213395615347144?helpref=faq_content
2. Review your login history here and see if you spot any suspicious log-ins.
3. Report the suspicious content you see as spam. Tap the 3 dots, and tap report post in order to prevent the further spread of the content.
Mayroon ding listahan ng mga sintomas ang Facebook na maaaring mong i-check kung sa tingin mo ay infected ka:
Sa Facebook
- Your account is posting spam or sending unwanted messages.
- Strange or suspicious log in locations are appearing in your account history.
- You see messages or posts in your activity log that you don’t remember sending.
Sa computer o mobile device
- Your applications run slower or tasks take longer than usual to complete.
- You notice new applications that you don’t remember installing.
- You notice strange pop-ups or other ads without opening a web browser.
Sa iyong web browser
- You notice strange pop-ups or other ads that you don’t remember seeing before.
- Your search engine or home page has changed and you don’t remember changing it.
More Stories
3K PAMILYA INILIKAS SA SUNOG SA MAYNILA, MAYOR LACUNA AGAD NA SUMAKLOLO
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)