November 5, 2024

POR FAVOR SECRETARYO ROQUE

HINDI ba nakakahalata si Presidential Spokesperson Harry Roque na  nagagamit ang kanilang daily noontime press conference ng mga miyembro ng biased mainstream media upang upakan ang Pangulo ng Pilipinas?

Obvious naman ang  kanilang sabwatang script upang ibagsak ang kinaiinggitan at kinamumuhiang kasalukuyang administrasyon sa atas ng kanilang  mga among kumikiling sa isinusuka ng masang  oposisyon.

Ang laking pagkakataon o oportunidad ang naibibigay sa mga kontrabida sa buhay ng mga Pilipino dahil lahat na ng negatibo ay itatanong upang ipalitaw na palpak ang Pangulo na isang  kabaligtaran at puno ng kabalintunaan.

Bakit hinahayaan ni Sec. Roque na magtanong ng below the belt at talagang walang sasabihing maganda kundi pipigaing magkamali ng isasagot si Ispoks?

Dapat nang i-pack-up ang naturang press conference dahil kahit na nasasagot naman ni Sec. Roque at ilang miyembro ng gabinete ang mga insultong tanong mula sa MORON na reporter ng ka-heart network at alibughang lady reporter mula on-line  site ng fake news na wala namang following pati na ang mga isinusubong tanong sa zoom ay palaging banat sa administrasyon ang nagiging tema ng presscon. Pati rin ng ilan pang Malacañang reporters ay dumadagdag sa nakaka-stress na pulong balitaan.

Di na ito dapat napapanood ng mamamayang sobrang bugbog na sa krisis mula kalamidad at pandemya.

Ang bayan na lang ang harapin ninyo sa halip na ang mga biased reporters na ‘di nakakatulong sa problema ng nasyon.  Para naman ito sa kanilang mga bossing na ayaw umangat ang ating bansang hilahod na pero interes parin nila (oposisyon, oligarko, pulahan, kaparian, etc.) ang inuuna.

Maniniwala naman ang taumbayan kung sa kanila ninyo  mismo ideretso ang mga mahalagang impormasyon sa kalagayan ng bansa dahil may sarili naman kayong network na inyong tulay ng katotohanan at walang pinagtatakpan

Hindi magiging pabor sa iyo Sec. Roque ang araw-araw  na presensiya mo sa telebisyon sa katanghalian pero ang tunay na napapaboran ay ang biased mainstream media lang naman.

Inyong tandaan, hinding-hindi nila gagamitin ang mabuting balita mula sa administrasyon, tiyak na ang  ibabandera nila ay ang mga binabaluktot na balita para mapasama ang gobyernong  kinabibilangan mo Ginoong Sekretaryo.

Hindi ninyo kailangan ang propaganda dahil sa mataas na approval rating ni PRRD.

Ang napapaboran sa inyong programa ay silang mga salot ng lipunan sa bayan ni Juan.

  Que horror ang mga iyan Spox Roque, por favor, itigil na ang kanilang kabalbalan… ABANGAN!!