December 25, 2024

POPE FRANCIS KAY MARCOS JR: CONGRATULATIONS!

Binati ni Pope Francis si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bago ang kanyang inagurasyon bukas.

Ibinahagi ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang mensahe ng Santo Papa.

“I send my congratulations and cordial wishes to your excellency as you begin your mandate as the president of the republic,” ayon sa Pope.

Tiniyak din ng Santo Papa kay Marcos na isasama nito sa kanyang mga panalangin na “manatili ang karunungan at lakas” para sa kanyang bagong administrasyon.

“In assuring you of my prayers that you will be sustained in wisdom and strength, I invoke Almighty God’s blessings of peace and prosperity upon the nation,”  dagdag niya.

Ayon kay Brown, binati na rin niya ang president-elect sa kanyang courtesy visit noong Hunyo 10.

“He and his new administration can be sure of the collaboration and the support of the Catholic Church as he takes on the waiting responsibilities of his office,” dagdag niya.

Gaganapin bukas ang ingaruasyon ni Marcos bilang ika-17 pangulo ng Pilipinas sa Naitonal Museum sa Maynila.