November 1, 2024

Poor workers suffer vs high prices of food

Walang magawa ang mga mahihirap na manggagawa lalo na ang mga daily-paid & minimum wage earners sa pinapataas na presyo ng bigas, isda, gulay at karne. Lalo na ngayong magpa-Pasko.

Palaging sinasabi ng Department of Agriculture at ng National Food Authority na sapat ang suplay ng pagkain sa bansa despite of the several strong tyhoons that hit our country. Naglabas pa nga ang mga ahensya kasama na ang Department of Trade and Industry ng price freeze order at Standard Retail Price ng mga essential food items.

Masaya na ang gobyerno dahil akala nila okey na ang problema ng pagpapataas ng mga presyo sa publications ng mga SRP sa mga palengke. Hindi nila alam na hindi sinusunod ng mga tindera’t tindero ang mga ito.

Panay din ang photo ops at painterview sa TV at radyo bilang propaganda. Pero bakit di sila manghuli at magsampa ng kaso sa mga middle men, hoarders at traders na nagpapataas ng presyo.

Between farmer, producer and consumer, itong mga middlemen ang kumikita nang husto. But why no one has been done about this?

Hindi ba pwedeng magsanib ang DA, DTI, NFA & Philippine National Police to take a strong action against these profiteering middlemen nationwide? Bakit hindi gawing nationwide? Bakit 2 o 3 lugar lang sa Q. C, Marikina & Manila lang sila nagpo-photo op? Alam naman ng lahat kung sino sino ang mga hoarders at traders dyannsa mga palengke. Pero ba’t untouchable sila?

More than 50% of expenses of poorly paid workers and their families goes to unnecessarily high prices of food. If the government does its real job in keeping prices at real prices, malayo ang mararating ng kapiranggot na sweldo ng mga manggagawa sa buong bansa.