January 27, 2025

PONDO NG DMW DAGDAGAN – SOLON

SA hangaring palawakin ang suporta ng gobyerno sa mga tinaguriang bayani ng makabagong panahon, umapela si KABAYAN partylist Rep. Ron  Salo sa liderato ng Kamara at iba pang mambabatas na lubos na suportahan ang Department of Migrant Workers (DMW), kabilang na ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa paraan ng dagdag-pondo para sa susunod na taon.

Sa pagsalang sa House Committee on Appropriations ng P5.09 bilyong proposed 2025 budget ng DMW at P3.41 billion para sa OWWA, partikulat na tinutulak ni Salo ang pagsusog sa mga programa at inisyatiba ng mga naturang ahensya.

“Unlike the budget hearings of other agencies of the government where I have a prepared long list of questions, I shall only state my manifestation of support for the DMW budget,” wika ni Salo na tumatayong vice-chairperson ng House Committee on Government Reorganization.

“I want to extend my appreciation to OWWA under the capable leadership of Administrator Arnell Ignacio. Their programs have been invaluable in ensuring that our OFWs are well-prepared before leaving for work abroad, assisting them in reintegrating once they return home, providing financial support for their repatriation, and ensuring that their dependents are properly supported,” dugtong ng ranking House official.

Ayon kay Salo, ang budget allocation para sa DMW ngayong taon ay nasa P6.35 billion at sa OWWA naman ay P3.68 billion, na mas mababa sa nilalaman ng 2025 General Appropriation Bill (GAB) na isinumite ng Department of Budget and Management (DBM) at kasalukuyang hinihimay ng Kamara.

“With the expanding needs of our OFWs, we cannot afford to reduce the budget. I appeal to my colleagues to increase the allocation and ensure our modern-day heroes receive adequate support and resources,” giit ng KABAYAN partylist solon.

Tinukoy ni Salo ang plano ng DMW na muling payagan ang pagpapadala ng overseas Filipino workers sa Kuwait at ang pagbubukas ng anim na bagong Migrant Workers Offices (MWOs) sa layuning mas lalong makapag paabot ng serbisyo sa mga manggagawang PIlipino sa ibang bansa.

“With these initiatives and the strong leadership of Secretary Cacdac, the DMW is on the right path in truly uplifting and protecting the lives of our modern-day heroes. I urge my fellow legislators to fully support and increase the DMW’s proposed budget, as it is an essential investment in the future of our OFWs, ensuring that they are provided the services, protection, and support they deserve,” ang hirit ng kongresista.

Kung hindi man madagdagan ang pondong ilalaan sa dalawang nasabing ahensya para sa 2025, mainam na lamang aniyang ibigay na lang ang katulad na halaga ng badyet nila ngayong taon.