Gumawa ng paraan si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. para magkaroon ng COVID-19 vaccine ang Pilipinas mula sa Pfizer.
Sa panayam kay Locsin sa DZRH, sinabi nito na kanyang kinausap si US Secretary of State Mike Pompeo para mapakiusapan na mabigyan siya ng ikalawang tsansa para sa 10 milyong dose ng Pfizer vaccine.
“Mike there’s one thing I really need from you, I need you to give a second try, give me a second try on 10 million doses of Pfizer that was put inside the basketball, and the ball was dropped.” kwento ni Locsin sa kanyang sinabi kay Pompeo.
Nangako naman si Pompeo na susubukan niya ang kanyang makakaya para makakuha ng Pfizer vaccine ang Pilipinas.
Matatandaan na unang nilantad ni Locsin na may isang nagpabaya kaya hindi napunta sa Pilipinas ang bakuna at nasungkit ng Singapore.
Lahad naman ni Locsin, tumawag sa kanya si PH Ambassador to United States Babe Romualdez para sabihing inaaksyunan na nito para makuha ang commitment para sa bakuna naman ng Moderna.
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna