March 25, 2025

POLUSYON SA LAGUNA LAKE LUMALALA: MANDATO NG LLDA PANAHON NANG SURIIN

Nanawagan si reelectionist Sen, Francis Tolentino na suriin ang mandato ng Laguna Lake Development Authority (LLDA) upang matiyak na sapat ang kapangyarihan nito sa pagtugon sa lumalalang polusyon sa Laguna Lake.

 “Siguro po it’s about time that we review the mandate of the Laguna Lake Development Authority. Siguro ‘yong enforcement, ‘yong minsan kulang kasi kine-claim nila na kulang sila sa mandato lalong lalo na ‘yong mga seepage na nanggagaling sa Metro Manila,” saad ni Tolentino.

“So we review that law, ‘yong LLDA creation as well, as we look into the problems given by not just the pollutants but the polluters kung saan galing ito,” dagdag pa niya..

Samantala, binigyang-diin naman ni ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo ang mahalagang papel ng local government units sa pagtugon sa polusyon ng nasabing lawa.

“Kailangan din tulungan ng local government units ang mga pag-construct po ng mga kabahayan d’yan sa tabi sa mga dagat at sa mga lake kailangan pong bantanyan ‘yan,” anang Tulfo.

“If you build a house there dapat ang tanong po d’yan ng engineering saan pupunta d’yan saan dadaloy? Mayroon ka bang sewerage? Saan pupunta ‘yong dumi mo ibabagsak mo lang ba sa Laguna Lake eh d’yan manggagaling ang mga isda natin,” pagpapatuloy niya.

“Kailangan ho nating bantayan kasi kung hindi po wala na hong pag-asa yan. Isang araw po baka mawawala na po ng mga isda d’yan … talagang magiging polluted na po ‘yan, sayang naman,” dagdag pa ni Tulfo.

Samantala, ibinahagi naman ni Interior Secretary Benhur Abalos ang kanyang karanasan sa pangangasiwa sa Pasig River pollution issues noong siya ay alkalde pa ng Mandaluyong City, na inimungkahi na tukuyin ang problema at kung mayroon bang dapat managot.

 “So we must have a checklist. Ano ba ‘yung sitwasyon ngayon? Ano ang problema at ano ang dapat gawin at sinong ahensya ang gumagawa?” sambit ni Abalos.

“Kung hindi niya ginagawa, anong dapat pang gawin? Dapat bang palakasan ito o dapat talaga siyang medyo pagalitan o gawan ng aksyon?” dagdag niya.

Ipinunto rin ni Abalos kung papaano ipinatupad ng Mandaluyong City ang sewage connection program na nakatulong sa pagtugon sa problema.

“For one, ang pollutants po sa amin ay nanggagaling din doon sa mga factories, nanggagaling din po doon sa mga nakatira. Talagang walang lalabasan. Sumunod, doon po kasi sa amin may bayaran kami ng tubig, dapat lahat ng sewage nakakonekta sa kanila bago ilabas sa Pasig river. Mahabang proseso po ito pero tyinaga po namin ito,” dagdag ni Abalos.