NA-VETO ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang panukala na magbibigay ng tax exemption sa honoraria, allowances, at iba pang financial benefits na natatanggap ng mga kawani ng pamahalaan, mula sa kanilang paglilingkod tuwing election period o araw ng halalan sa bansa.
Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz- Angeles, ang panukalang ito ay salungat sa layunin ng Comprehensive Tax Reform Program na layong itama at gawing pantay-pantay ang tax system sa bansa.
Bukod dito, lumalabas aniya sa mga pag-aaral na ang makokolektang buwis mula dito ay mayroong impact, kaya’t hindi ito dapat mawala.
Samantala, ayon pa sa kalihim, i-veneto rin ng pangulo ang panukala na layong bumuo sa Philippine Transportations Safety Board, na magiging responsable sana sa pagsasagawa ng impartial investigation kaugnay sa transportation-related accidents.
Sinabi aniya ni Pangulong Marcos Jr. na ang functions na itinalaga sa bubuuing safety board ay ginagampanan naman na ng DOTr, PNP, at NBI. Ibig sabihin, ang pagbuo aniya ng panibangong tanggapang ito ay magdo-doble lamang ng mga tungkulin, at magdudulot ng kalituhan sa mga otoridad, na siya namang makakaapekto sa paggampan ng tungkulin ng mga kinauukulaang tanggapan ng pamahalaan.
More Stories
DIGONG TATAYONG ABOGADO NI VP SARA VS IMPEACHMENT
Christmas holiday: BI nagtala ng halos 190,000 na mga biyahero sa mga paliparan
Sharks Billiards Association inaugural season… TAGUIG STALLIONS ANG KAMPEON