HIGIT na kinakailangan ngayon na ipatupad ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na regular na isailalim sa neuro-psychiatric tests ang kanilang mga tauhan matapos ang tangkang pagpapakamatay ng isang police trainee sa Cavite.
Ayon kay PNP chief Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar, ipinakikita ng naturang insidente kung bakit kailangan regular na masuri ang mental health ng PNP personnel.
Base sa inisyal na report, ang biktima ay 25-anyos na police trainee ng PNP Maritime Group. Natagpuan siya kahapon ng kanyang kapwa trainees na sugatan sa rooptop ng kanyang boarding house at dinala sa Divine Grace Hospital para gamutin.
Ligtas na sa tama ng bala ang nasabing police trainee na nabatid na nakararanas ng depresyon. Inatasan ni Eleazar ang superiors ng police trainee na imonitor ang biktima at ibigay ang tulong na kailangan nito.
“Our personnel are undergoing rigorous training as early as the training period. This is why I reiterate the importance of subjecting all personnel to neuro-psychiatric tests to determine if they are mentally and emotionally capable of being part of the organization,” saad ni Eleazar. “This kind of test will greatly help in preventing personnel from inflicting harm on themselves or on other people,” dagdag niya.
Samantala, inatasan ng PNP chief ang mga police commander na mahigpit na bantayan ang pag-uugali ng kanilang gma tauhan, lalo na doon sa mga nagpapakita ng senyales ng emotional at mental problems.
More Stories
DATING ALBAY GOV. NOEL ROSAL DISQUALIFIED – COMELEC
Recto: Tax collection ng gobyerno pumalo sa P3.55-T ngayong 2024
WOLVES SINAGPANG ANG DALLAS