MANILA – Pumanaw na si Police Maj. Gen. Jose Maria Ramos, isa sa mga matataas na opisyal ng pulisya na nasugatan nang bumagsak ang kanilang sinasakyang helicopter noong Marso.
Ito ang kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) spokesperson Col. Ysmael Yu.
“The PNP is saddened by this news, on behalf of CPNP PGen Cascolan, the PNP extends its condolences to the family and to PMA Sinagtala Class of 1986,” ayon kay Yu.
“Kagabi siya pumanaw,” dagdag pa nito.
Comatose si Ramos kasunod ng nangyaring pagbagsak ng chopper noong Marso 5. Kabilang siya sa nasa kritikal na kondisyon matapos ang insidente at dinala sa intensive care unit.
Sugatan din sa insidenteng iyon ay sina retired police general Archie Francisco Gamboa at dating PNP spokesman Brig. Gen. Bernard Banac.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA