BATANGAS – Ipinag-utos ni Philippine National Police Chief General Guillermo Lorenzo T. Eleazar, ang paglalagay ng mga Police Assistance Desk sa mga evacuation centers para sa mga residente sa probinsya ng Batangas na napilitang lumikas dahil sa banta ng pag-a-alburoto ng Bulkan Taal.
Batay sa ipinadalang ulat ng Batangas Police Provincial Office, aabot sa 1,600 evacuees ang nanatili ngayon sa hindi bababa sa sampung mga evacuation centers sa mga bayan ng Laurel, Talisay, Balete at Agoncillo.
Layunin umano ng mga police assistance desk ay ang health safety ng mga taong nasa mga evacuation centers tulad na lamang ng banta ng coronavirus disease (COVID-19) dahil may ilan umanong mga taong naroon ang natatakot dahil sa posibleng magkaroon ng mass infection ng nakamamatay na sakit.
“I have already directed the Commander, JTF COVID Shield and the RD, PRO4A to set up Police Assistance Desks in all the evacuation centers in Batangas to ensure that their security and health safety are assured 24/7,” saad ni Eleazar.
“Kasama dito ang pag-designate ng COVID-19 protocol officer na makikipagtulungan sa local health office at LGU upang hangga’t maari ay matiyak na napaptupad ang minimum public health safety protocol sa mga evacuation centers,” dagdag pa ni Eleazar.
Pinapurihan naman ni PGen. Eleazar sina PRO4A Director PBGen Eliseo Cruz at Batangas Police Provincial Director PCol, Glicerio Cansilao dahil sa mabilis na aksyon sa pagpapalikas at pagtungo sa mga evacuation center at sa iba pang kailangan na tulong ng mga Batanguenyong naapektuhan ng pag-alburoto ng nasabing bulkan.
Nagpadala na rin sa mga apektadong lugar ng mga PNP personnel at mga mobile assets ang naka standby para kung sakaling kailanganin.
Naglatag na rin umano ng mga checkpoints sa mga strategic areas sa Batangas para mapigilan ang mga residente na bumalik sa kanilang mga bahay at pagbawalan muna ang mga turista at iba pang mga tao na makapasok sa mga idineklarang danger zones.
“Nauunawaan naming ang hirap ng sitwasyon ng ating mga kababayan na napilitang lumikas sa panahon pa mismo ng pandemya. Pero kailangan nating mag-ingat at makakaasa kayo na ang inyong PNP ay tutugon dito,” pagtatapos ni Eleazar. (KOI HIPOLITO)
More Stories
DIGONG TATAYONG ABOGADO NI VP SARA VS IMPEACHMENT
Christmas holiday: BI nagtala ng halos 190,000 na mga biyahero sa mga paliparan
Sharks Billiards Association inaugural season… TAGUIG STALLIONS ANG KAMPEON