December 26, 2024

POGO WORKER NAILIGTAS, 6 KIDNAPER ARESTADO

Nailigtas ng mga awtoridad ng Tambo Substation 2 ng Paranaque City police station ang isang hindi pinangalanan na 23-anyos na lalaking  Chinese nationals na POGO worker sa kamay ng anim na mga suspek na kidnaper  na ang lima dito ay  pawang mga Chinese nationals din at ang isa ay Filipino, noong bandang hapon ng Huwebes sa lugar ng Paranaque City.

Base sa ipinadalang report ni NCRPO Chief Regional Director PMGen. Vicente Danao Jr., kay Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Guillermo Eleazar, ang biktima ay puwersahang kinuha at isinakay ng mga suspek sa isang Toyota Hi Ace Super Grandia Van sa Bradco Avenue corner Cuinco St., Aseana, Brgy. Tambo sa naturang lungsod bandang 1:40 ng hapon.

Subalit nakatawag pansin  sa mga hotel security ang nangyaring komosyon at itinawag sa telepono sa mga pulis na agad naman nagresponde sa lugar at duon nalaman na tinangkang dukotin ng mga suspek ang biktima na nagresulta ng pagkaka-aresto sa mga suspek.

Kinilala ang mga nadakip na limang Chinese nationals na suspek na sina Li Yang, Zhou Hao, Liu Jie Yong, Zhang Jia Hao, Qui You Bo, at si 6. Nelson Malavega, na nagsilbing driver ng grupo.

Sinabi ni Police General Eleazar na, “The arrested suspects are now under custody Parañaque City Police Station for proper investigation and filing of appropriate charges.

“I commend our ground operatives for immediate action on the reported kidnapping case which resulted to the arrest of these suspects.”

Dagdag  pa ng PNP Chief, “At tayo ay nagpapasalamat din sa pagtawag agad ng responde ng ating kumunidad para marescue ang nasabing biktima at naiwas sya sa posibleng kapahamakan sa kamay ng mga kidnapers na ito. In line of our cleanliness in the community under Intensified Cleanliness Policy, kaisa ng ating kapulisan ang kumunidad na linisin at sugpuin ang kriminalidad para sa kaayusan ng ating bansa.” (Koi Hipolito)