NANAWAGAN si Senador Win Gatchalian kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na tuluyan nang ipagbawal ang Philippine Offshore Gaming Operation (POGO) dahil sa grabeng banta sa seguridad.
“Inuulit ko ang ating panawagan sa Pangulo na dinggin ang lumalakas na kahilingan ng karamihan sa ating mga kababayan at maraming sangay ng gobyerno na wakasan na ang pananatili ng mga POGO sa ating bansa,” ayon sa naturang senador.
Ginawa ni Gatchalian ang panawagan kay Marcos matapos tukuyin ni Defense Secretary Gilbert Teodoro na ang POGO ay banta sa seguridad ng bansa.
“As defense secretary, he possesses privileged information and intelligence that convinced him to make that statement,” giit niya.
Naniniwala si Gatchalian, na ang pag-ban sa POGO ang paraan para tuluyang maalis ang banta sa seuguridad ng bansa at mahinto ang mga krimen na may kaugnayan dito.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY