IPINAGLALABAN ni House Deputy Majority Leader Iloilo 1st District Rep. Janette Garin, na gawin na lamang na dormitoryo ng mga karapat-dapat na mga estudyante ang mga ni-raid na hub ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).
Sa plenary deliberations ng 2025 General Appropriations Bill (GAB) noong nakaraang Miyerkules, sinabi ni Garin na maraming kinakaharap na problema ang mga estudyante kabilang ang mataas na presyo ng upa sa mga dormitoryo.
“Actually, ang isang pinaka-challenging na gastusin ng isang estudyante ay ‘yung boarding house, ‘yung dormitory, especially so that this is mostly provided by the private sector and hindi nakokontrol ‘yung presyo, ‘yung bayarin,” aniya.
“At the appropriate time, Madam Speaker, it’s not applicable all over the country, but for Region 3, napakaganda talaga na ‘yung mga POGO hub, na mga scam hub na na-discover ay makuha ng gobyerno at gawing extension campuses as well as dormitories ng ating karapat-dapat na estudyante,” dagdag nito.
Sinang-ayunan naman ng deputy majority leader na si ACT Teachers Party-list Rep. France Castro ang mungkahi ni Garin.
Nabanggit ang isang pagsasaliksik na may titulong “Enhancing Access and Success in SUCs,” inilahad din ng Iloilo lawmaker at dating Department of Health (DOH) secretary ang pinansiyal na pasanin ang pangunahing problema na mga estudyante.
Si Garin ang sponsor ng Commission on Higher Education (CHEd) budget sa ilalim ng 2025 General Appropriations Bill (GAB).
Ipinunto rin ni Garin na ang panukalang 2025 buget para sa CHEd ay hindi lamang paggugol kundi isang investment para sa kinabukasan ng bansa.
“It is an investment in the future of our nation, and every peso allocated to higher education yields a return in the form of educated, skilled, and empowered citizens who will contribute to the country’s economic growth and social troubles.”
Target ng Kamara na maipasa ang 2025 GAB sa ikatlo at huling pagbasa sa Setyembre 25.
More Stories
MGA MAYOR SA RIZAL SUPORTADO SI CHAVIT SINGSON
6 tulak, nadakma sa higit P.2M shabu sa Navotas
Higanteng Christmas tree sa Araneta City pinailawan