
Nababahala si Senate Deputy Minority Leader and Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality Chair Risa Hontiveros sa posibleng pagkabuhay ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).
Punto ni Hontiveros may bagong modus ang POGO.
“May mga bago pa silang modus, no? Mga travel ads. Kunong travel ads sa simula. Pero sa mag-signify ng interest, parang pa sa sign-in nila at i-recruit nila sa mga scam operations na pala.
At meron na silang mga na-biktima. May labing dalawang mga Filipino naghihintay pang ma-rescue sa Myanmar. Yung at least isa sa kanila, ni-rape ng Chinese boss nila. So yung gender dimension nito, kitang-kita pa rin natin nagpapatuloy ng matindi,” aniya.
Nagsusumbong din yung mga dating POGO employees na pinalilipat lang sila sa mga casinos. Pero pinagpapatuloy pa rin sa kanila yung mga dating scam operations. So kulang na kulang pa rin sa kabila ng marami ng efforts. Kaya bagamat pinagpapasalamat ko yung mga iyon, hindi pa rin ako satisfied. At dapat hindi tayong lahat masatisfied kahit ang gobyerno. Dahil maganit talaga na bunutin yung weeds ng POGO na iyan at talagang itapon sa apoy,” sambit pa nito.
Binanggit din ni Hontiveros ang muling paglitaw ng mga scam text message na halos nawala nang ipahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang pagbabawal sa POGOs.
“Napansin ko rin nga yan eh and it’s really very worrying na totoo, dumadami na naman yung mga kababayan natin, kahit yung mga kamag-anak natin, mga kaibigan nagre-reklamo na, whoa! May resurgence na naman ng mga scam texts and messages,” aniya,
Hinimok ni Hontiveros ang gobyerno na maging mapanuri at mabilis sa pagtugon sa mga pagkukulang sa batas upang maiwasan ang pagbabalik ng mga POGO at protektahan ang interes ng mga Pilipino.
“Dapat yung mga loopholes dun sa EO na nabanggit ko kanina, that was Executive Order 74, dapat ma-address. Lalo na yung provision dyan sa EO na iyan na excludes online games of chance conducted in PAGCOR operated casinos, licensed casinos, and junket agreements,” aniya.
“Wake-up call ito, serving of notice ito sa PAGCOR na huwag nilang papayagan itong mga reinvented POGOs makahanap ng espasyo sa mga casino at mga casinos na may junket agreements na nasa ilalim ng jurisdiction ng PAGCOR,” dagdag niya.
“We will see to it that they won’t be able to, sa batas na ipapasa namin, and this is a call again to the executive na gawin din yan sa EO nila.”
Bukas din ang senador sa pagbabawal sa mga online casino, na aniya itinuturing na “isang napakagandang opsyon na dapat isaalang-alang.”
More Stories
SEN. LAPID NAGSAGAWA NG MOTORCADE SA BACOLOD CITY AT NEGROS OCCIDENTAL
CONVOY NG PNP CHIEF, SINITA DAHIL SA PAGGAMIT NG EDSA BUSWAY
IKA-39 ANIBERSARYO NG EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION, GINUNITA