
Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas para buwisan ang mga Philippine Offshore Gaming Operations (POGOs) sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang pagbubuwis sa mga POGO ay nakapaloob sa Republic Act 11590.
“Bahagi ito sa ating mahigpit na pagri-regulate ng lahat ng klase ng gambling at pagbabawal ng ilegal na sugal,” paliwanag ni Roque sa press briefing nitong Huwebes.
Noong 2019, nakakolekta ang gobyerno ng P6.42 bilyon sa mga POGO pero ayon kay Senador Pia Cayetano, maaaring umabot ng P38 bilyon ang koleksyon kung papatawan ng buwis ang mga offshore gaming firm.
Sa ilalim ng batas, 60 percent ng makokolektang revenue sa mga POGO ay ilalaan sa universal health care program, habang 20 percent ay para maipaayos ang mga medical facility sa bansa, at ang natitirang 20 percent ay para sa “sustainable development goals.”
More Stories
86 DRIVER, 2 KONDUKTOR POSITIBO SA SURPRISE DRUG TEST NG PDEA NGAYONG SEMANA SANTA
P102 milyong halaga ng shabu, nasabat sa checkpoint sa Samar
DepEd: Walang pagbabawal sa pagsusuot ng toga sa graduation; imbestigasyon sa Antique incident sinimulan na